Corporate Events

Sa Pakpak Ng Mga Tula – Mga Litrato At Tula Ni Reuel Molina Aguila

BY: Pancho Adelberto Hubilla • Apr 10, 2017

[vc_row][vc_column][thb_gap height=”15″][thb_image animation=”animation fade-in” alignment=”center” image=”1197″][thb_gap height=”15″][vc_column_text]

TATLONG PAGTATANGKA

[/vc_column_text][vc_column_text]Higit siguro akong nakilala bilang manunulat.

Pero, baka presumptuous ako. Baka sa iba, mas una nila akong nakilala bilang photographer kaysasa manunulat. O, pwede ring ngayon lang tayo nagkakilala. Wala namang problema rito. Sa exhibit naito (1) tinangka kong ipagsanib ang pagiging photographer at manunulat; o manunulat at photographer. Tinulaan ko ang litrato o naghanap ako ng litrato para sabi na balak na tula. Pagtatangkarin ang exhibit naito (2) na lumabas ako sa kinagawiang paglilimbag gamit ang papel. Sa exhibit naito, tiningnan ko ang posibilidad namaglimbag nang direkto sa kahoy, metal at baldosa (tile). Sa pagtatangkang ito, kailangan kong igalang angbawat medium. Ibig sabihin, may litratong babagay sa kahoy, metal at baldosa; at syempre sa papel. Natutunan kong hindi simpleng pagtatangka ito. At, (3) palagi ang pagtatangkaang ipakilala ang mga ibong ito upang mahikayat ang publiko na naririyan sila; at sana, mapangalagaang naririyan pa rin sila at ang kanilang tahanan, ang kalikasan sa kabuuan.[/vc_column_text][thb_gap height=”15″][thb_image animation=”animation fade-in” alignment=”center” image=”1177″][thb_gap height=”15″][vc_column_text]

Ang mga Ibon ng Pilipinas

Kung isasaalang-alang ang sukat ng Pilipinas, isa ang ating bansa sa may pinakamaraming katutubong ibon o endemic bird. Mahigit 200 angmga endemic. 1/3 ito ng mahigit 600 naitalang ibon sa Pilipinas. Sa mahigit 600 ibon saPilipinas, mahigit 120 na ang naitatala sa campus ng UP, Diliman. Sa kagubatan nakatira ang mga 67% ng mga ibon saPilipinas. Pitong milyong ektarya nalang ang natitira mula sa 20 milyon ektaryang naitala noon pa. Ang natitirang 33% ng ibon ay nakatira satin sa tawag na wetland, at samgasakahan. Ang mga lugar naito ay mabilis naginagawang subdibisyon, resort at iba pang pinag nenegosyohan.

Ang resulta, halos 20% ng mga ibon ay nalalagay sapanganib o nasa kategorya ng threatened.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ko nililitratuhan ang mga nalalabing ibon: ang maitala ang mga ito at iharap sa publiko na huwag saktan ang kagandahan.[/vc_column_text][thb_gap height=”15″][thb_image animation=”animation fade-in” alignment=”center” image=”1174″][thb_gap height=”15″][/vc_column][/vc_row][vc_row][vc_column width=”5/6″][vc_column_text]

Ang Photographer / Makata / Curator

Si REUEL MOLINA AGUILA, Ph. D. ay guro sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, UP, Diliman. Makata, mandudula, mananaysay, nagsulat ng iskrip para sa telebisyon, radyo at pelikula, hinirang din siya sa Hall of Fame ng Palanca Awards (2009).

Ang ilan pa sa pangunahing pagkilala sa kanya ay: Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (2004), lifetime achievement award para sadula; Gawad ng Dangal ng Wikang Filipino, lifetime achievement award para sa kontribusyon sapag-unlad ng Pambansang Wika sa pamamagitan ng kanyang mga nasulat (2008); Makata ng Taon (2008); Mananaysay ng Taon (2007).

Premyadong photographer, siyarinang nag-curate at kalahokna photographer saBagwis: Birds of UP, Diliman (2013), Birds of Baguio and Benguet (2014), Bagwis 2: Birds of UP, Diliman and Quezon City (2016).

Si Aguila rin ang isa sa dala ang tagapagtatag ng Palihang Rogelio Sicat,  pambansang pagsasanay sa malilkhaing pagsusulat; at tagapagtatag ng Kataga, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas.

[/vc_column_text][thb_gap height=”30″][/vc_column][vc_column width=”1/6″][thb_gap height=”15″][thb_image image=”1189″][/vc_column][/vc_row]

Spread the love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *